₱1.08-M halaga ng shabu, nasamsam sa Bauan, Batangas

₱1.08-M halaga ng shabu, nasamsam sa Bauan, Batangas

SA isang pinagsanib na operasyon ng Bauan Municipal Police Station at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isinagawa ang isang drug bust sa Barangay San Roque na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang High Value Individual.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Tattoo,” 50 taong gulang, at residente ng nasabing barangay.

Nasamsam mula sa kanya ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu. Tinatayang higit 160 gramo ang kabuuang bigat ng droga, na may street value na humigit-kumulang ₱1.08 milyon, batay sa standard drug price.

Nahaharap ngayon si alyas “Tattoo” sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hinimok naman ng mga awtoridad ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang mapuksa ang ilegal na droga sa lalawigan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble