₱1.3M halaga ng pekeng sigarilyo, nasabat sa Quezon City

₱1.3M halaga ng pekeng sigarilyo, nasabat sa Quezon City

SA bisa ng natanggap na impormasyon, agad na ikinasa ng mga operatiba ng PNP–Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon sa Barangay Sangandaan, Quezon City, kung saan natunton ang puwesto ni alyas “Angelo.”

Sa pagsalakay, tumambad sa mga awtoridad ang kahon-kahong pekeng sigarilyo na nakalagay sa isang storage area.

Katuwang ng mga pulis sa operasyon ang mismong tobacco company na Philip Morris Fortune Tobacco Corporation Incorporated, upang matiyak ang pag-aresto sa indibidwal na ilegal umanong gumagamit ng kanilang brand.

Ayon sa CIDG, umaabot sa mahigit ₱1.3M ang halaga ng mga nasamsam na kontrabandong sigarilyo.

Muling nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na maging mapanuri sa mga produktong binibili at huwag tangkilikin ang mga pekeng produkto. Bukod sa banta sa kalusugan, nakaaapekto rin ito sa kabuhayan ng mga legal na negosyante at sa kita ng gobyerno.

Dahil sa insidente, inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek sa ilalim ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble