Matagumpay na nasabat ang tinatayang ₱20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation noong Hunyo 29 sa General Vicente Alvarez Street, Barangay Zone IV, Zamboanga City.
Ang operasyon ay pinangunahan ng pinagsanib na puwersa ng SOU-9 ng PNP-DEG, Zamboanga City Police Station 11, at Regional Drug Enforcement Unit 9.
Naaresto ang isang habal-habal driver na residente ng Brgy. San Jose Cawa-Cawa, na tinukoy bilang high-value target.
Nakuha sa kanya ang humigit-kumulang 3 kilo ng shabu na naka-ziplock, binalot sa dyaryo, at itinago sa isang paper shopping bag upang makaiwas sa pagkakahuli.
Kabilang sa mga ebidensyang narekober ang isang Samsung keypad phone, isang violet eco bag, Boodle money at isang tunay na ₱1,000 bill na nakapatong sa 23 bundle ng pekeng pera
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.