1.2-M plastic license cards, handa nang ipamahagi sa mga motorista na napaso ang lisensya—LTO

1.2-M plastic license cards, handa nang ipamahagi sa mga motorista na napaso ang lisensya—LTO

BUWAN pa ng Mayo ng taon ay naisyuhan na ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO) ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Quincy Hanz.

Pero, ang malaking problema de papel na lisensya ang naabutan niya.

‘‘Mahirap talaga kasi may iba na kailangan ma-verify hindi namin magamit.’’

‘‘Masira talaga, so kailangan may extra care talaga para hindi masira kasi valid,’’ ayon pa kay Quincy Hanz Denuna, OFW.

Sa panayam sa media, kinumpirma ni LTO Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II na goodbye na sa lisensyang papel simula umaga ng Huwebes.

Ayon kay Mendoza, kasunod ito ng pagkakaroon ng 1.2-M plastic licence cards na sapat na aniya para ipamahagi sa mga motoristang napaso ang lisensya mula noong Abril 1-30, 2023.

Bibigyan sila ng hanggang katapusan ng Oktubre para maasikaso ang renewal ng lisensya.

‘‘We make sure na tamang tama lang ang ‘yung kapasidad ng ating licensing centers to cater their needs.’’

‘‘Kaya wala ng agam-agam ‘yung ating mga tao kasi meron nang ganito, goodbye papel,’’ saad pa ni Asec. Vigor Mendoza Chief, LTO.

Ikinigalak naman ni Quincy Hanz nang makatanggap na ito ng plastic license cards, umaga ng Huwebes.

‘‘Maganda na, magagamit kahitvsa Australia bukas flight namin ay magamit namin ito sa Australia, mas maganda kapag card na,’’ ayon kay Quincy Hanz.

Sinabi naman ng LTO Chief, gagawing ‘‘staggered’’ ang pamamahagi ng plastic cards para hindi dagsain at hindi magkaroon ng mahabang pila sa mga licensing office nito.

Ang mga motorista na ang lisensiya ay napaso mula May 1-30, 2023 ay maaaring magpunta sa iba’t ibang tanggapan ng LTO hanggang katapusan ng Nobyembre ng taon.

Ganon din ang mga napasong lisensya mula Hunyo 1-30, 2023 na kailangan i-renew bago ang katapusan ng Disyembre ng 2023.

Kasama rin ang mga napasong lisensya mula noong buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre.

Babala ni Mendoza, awtomatikong mapapaso ang lisensya ng sinumang hindi makapagpapa-renew sa itinakdang schedule at hindi na masasakop ng extension ng LTO. ‘‘We are not naman inflexible kung dumating ‘yung araw alam ko naman ang Pinoy last minute parati, kung sabihin ko na hindi extend namin ‘yan maghihintay ‘yan and hopefully ma extend. So babantayan naman namin if there are circumstances let’s say huwag naman sana kalamidad or that will prevent the people from applying of their extension or renewal of their license,’’ pahayag pa ni Asec. Vigor Mendoza.

2.4-M backlog sa plastic license cards, target masolusyunan sa 2024—LTO

Pero, pagtitiyak pa ng ahensiya na makukumpleto ang pamamahagi ng 2.3-M backlog sa plastic drivers license cards sa Marso ng 2024.

‘’‘Yung schedule of delivery ay tugma rito sa ating deadlines kaya we are confident to our deadlines kasi talagang naka-dubbed tails sa ating delivery schedules. ‘Yung ating supplier naman ay on time humahabol naman,’’ ayon pa kay Asec. Mendoza.

Follow SMNI NEWS on Twitter