BINIGYAN ng special permits ang nasa 1,200 na mga bus at utility vehicles lalong-lalo na ang may mahahabang ruta para makabiyahe ngayong Undas.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Oktubre 15 pa lang ay nag-aapruba na sila ng special permits.
Kaugnay rito ay magpapakalat ang LTFRB ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang bus terminals para matiyak ang ‘roadworthiness’ ng mga bus.
Sa mga daanan ay may itatalaga ring mga personnel para i-check ang kondisyon ng mga driver.