1.3-K personnel, ide-deploy ng MMDA para sa SONA ng pangulo sa Lunes

1.3-K personnel, ide-deploy ng MMDA para sa SONA ng pangulo sa Lunes

NASA 1,354 na tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ide-deploy para magmando sa trapiko sa araw ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ito’y para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko lalo na sa mga pangunahing lansangan malapit sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Partikular na dito ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, IBP road at iba pa.

Ayon kay MMDA chairman Atty. Don Artes, magpapatupad din ang MMDA ng ‘no day off, no absent’ policy sa mga nakatalagang tauhan sa SONA.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter