1.3M dosis ng COVID-19 vaccines, nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa

PASADO alas diyes ngayong umaga inaasahan ang pagdating ng nasa kabuuang 700,000 dosis ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng Australian government sa Pilipinas.

Ang mga naturang bakuna ay sakay ng Cathay Pacific Flight CX 907 na lalapag ng sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Habang inaasahan din ang pagdating ng 609,570 dosis ng Pfizer vaccines na binili naman ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang Pfizer vaccines ay lulan ng Air Hong Kong Flight LD 456 na inaasahang lalapag sa NAIA Terminal -3 ng pasado alas nuebe mamayang gabi.

Matatandaan kahapon nasa kabuuang 682,360 doses ng Moderna vaccine na binili ng pamahalaang nasyonal ang dumating sa bansa.

Una na ring sinabi ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez Jr na ang mga bakunang dumarating ay gagamitin bilang paghahanda sa 3 day  national vaccination day at nagpapatuloy na booster shot sa mga  priority group.

Nasa kabuuang 134-M dosis na ng COVID-19 vaccine ang nai- deliver na sa bansa simula Pebrero ng taong ito.

Una na rin sinabi ni Sec .Galvez na target ng pamahalaan na 140M dosis ng bakuna pa ang darating bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

BASAHIN: Komersyal na pagbenta sa ilang COVID-19 vaccines sa bansa, posible sa 2022 – FDA

SMNI NEWS