1.5-k na mga bilanggo sa Bilibid, posibleng ilipat sa Nueva Ecija sa susunod na buwan

1.5-k na mga bilanggo sa Bilibid, posibleng ilipat sa Nueva Ecija sa susunod na buwan

SISIKAPIN umano ng Bureau of Corrections (BuCor) na mailipat sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija sa susunod na buwan ang 1,500 persons deprived of liberty (PDLs) o mga bilanggo.

Sinabi ni BuCor OIC Gregorio Catapang Jr. na bahagi ito ng kanilang pag-decongest ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ipinaliwanag pa ni Catapang na kaugnay ng decongestion program ay nauna nang nailipat sa Minimum Security Compound ang 50 inmates na senior citizens mula sa Maximum Security Compound ng Bilibid.

Karamihan sa mga inilipat na mga PDL ay hindi na makalakad at inalalayan na lamang na makatayo.

Sa ngayon ay hinihintay na lang ng naturang inmates ang executive clemency na igagawad sa kanila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

Follow SMNI News on Twitter