HINIHIKAYAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Office of the Solicitor General (OSG) na kanselahin ang nasa 1,500 registered birth certificates.
Ito’y dahil pinaniniwalaang ilegal itong nakuha ng mga dayuhan lalong-lalo na ng mga Chinese.
Ang mga dayuhan pa ay madalas na nasasangkot sa mga krimen na nauugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Tugon na rin ito sa mga ulat na sa Davao del Sur lang ay 1,200 na pekeng birth certificates ang inisyu ng Local Civil Registrar hanggang noong Hulyo 2024.