1.7 milyon na pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Semana Santa

1.7 milyon na pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Semana Santa

NAGHAHANDA na ang security forces ng bansa para sa deployment ng mga tropa sa paparating na Semana Santa mula Marso 24-30, 2024.

Lalo na rito sa Metro Manila kung saan may pinakamaraming biyahero na uuwi ng probinsiya.

Sa tantiya ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), nasa 1.7 million na pasahero ang dadagsa sa kanilang terminal.

Nag-apply na rin sila ng special permits sa mga rutang kukulangin ng units sa susunod na linggo.

Para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, magsasagawa ng random drug test sa mga drayber ng bus ng PITX kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Land Transportation Office (LTO).

Pinaigting din ang pagbabantay ng kanilang K-9 units.

Full force rin ang mga tauhan ng PITX para umasiste sa mga biyahero.

Payo naman ng PITX sa mga pasahero na maagang mag-book ng ticket para iwas-hassle.

Para sa mga walk-in passenger, payo ng terminal management na agahan ang pagpunta sa PITX.

Ang Quezon City Traffic and Transport Management (QCTTM), todo bantay rin ngayong Semana Santa.

Lalo na’t nasa QC ang malalaking bus terminal sa Metro Manila.

QC LGU, naghahanda na sa traffic and security deployment sa paparating na Semana Santa

Ang Quezon City Police District (QCPD), maglalagay ng police assistance desks sa mga pangunahing lansangan sa siyudad.

Patuloy rin ang foot patrol ng QCPD para magbantay sa mga kawatan o akyat-bahay na mananamantala habang nasa probinsiya ang homeowners.

Naka-standby rin ang force multipliers ng QCPD para magbantay.

“Ang buong pwersa ng QCPD sa ilalim po ng ating District Director PGen. Redrico Maranan po ay handang-handa na nga po sa nalalapit na Semana Santa at iba pa pong events ngayong summer vacation,” ayon kay PLtCol. May Genio, Spokesperson, QCPD.

Para sa dagdag impormasyon, umantabay lamang sa official social pages ng iba’t ibang LGU at ahensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble