PINABULAANAN ng American technology company na Apple ang paratang na naniningil sila ng hindi makatarungang 30% na komisyon mula sa mga app developer sa pamamagitan ng App Store.
Sa akusasyon, ito ang nagiging dahilan kung bakit nasa 20 milyong iPhone at iPad users ngayon sa United Kingdom ang naghain ng mass lawsuit.
Tinatayang 1.5 billion pounds or 1.8 billion dollars ang kabuuang halaga ng overcharged fees.
Ito ang kauna-unahang mass lawsuit na naihain sa Competition Appeal Tribunal ng London laban sa isang tech giant.