SUMUKO ang 1 buntis na miyembro ng communist terror group (CTG).
Sumuko nang kusa si alyas Janella, isang CTG member at dating squad medic ng Platoon Mercedes, Sub-Regional Committee 5, North Central Mindanao Regional Committee.
Ginawa ang kaniyang pagsuko nitong Miyerkules Agosto 2, 2023.
Si Alyas Janella ay kasalukuyang nasa walong buwang buntis at nasa pangangalaga ng 103rd Infantry Brigade (103IB).
Ayon kay Maj. Gen. Antonio Nafarrete, commander ng Joint Task Force Zampelan, nahirapan si Janella sa kilusan lalo na sa mga bagay na pinapagawa sa kaniya na labag sa kaniyang kalooban.
Patuloy ang pakiusap ng militar sa mga natitira pang miyembro ng CTG sa bansa na magbalik-loob na sa pamahalaan kasabay ng pangakong maayos at payapang buhay kapiling ang kanilang mahal sa buhay.