SIMULA ngayong araw ng Martes sisimulan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang serye ng iskedyul ng electrical maintenance activities sa NAIA T1, T2 MIAA Admin Building, at Airfield.
Ang naturang aktibidad ay isasagawa simula Pebrero 6 hanggang Marso 7 bilang bahagi ng pag-upgrade ng ongoing electrical systems ng NAIA.
Ayon sa MIAA, bagama’t may kaunting abala ang mararanasan sa ilang lugar ngunit tinitiyak nito sa riding public na ang mga critical system na ginagamit para sa pagproseso ng pasahero ay mananatiling operational.
Tiniyak din nito na walang magiging epekto sa schedule ng trabaho at sa flight operation.