1 buwang lockdown extension sa Luzon, fake news

FAKE news, ito ang naging tugon ni Inter-Agency Task Force (I-ATF) on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Spokesperson Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kumakalat sa social media kaugnay sa pagpapalawig sa 1 month lockdown sa Luzon, pagkakaroon ng military control at pagpapasara sa Divisoria at iba pang mga palengke sa gitna ng paglaban sa COVID-19.

Panawagan ni Nograles sa publiko na huwag maniwala sa mga nasabing fake news at huwag na itong ipakalat pa.

Paalala ni Nograles sa publiko na ang lahat ng official announcements ukol sa quarantine at pagsisikap laban sa COVID-19 ay manggagaling lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte, Department of Health (DOH) at I-ATF.

Sinabi rin ng cabinet secretary na inaalam na ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nasa likod ng nagpapakalat ng fake news para masampahan ang mga ito ng kaso.

Nakatakdang magtapos ang lockdown na umiiral sa Luzon sa Abril-12.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.