ARESTADO ng pinagsamang puwersa ng PDEA Batangas Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Group– Batangas ang tatlong drug suspects matapos ang ginawang buy-bust operation sa Purok 4, Sitio Villa Anita, Brgy. Santa Clara, Batangas City, Batangas.
Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den at nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa humigit-kumulang 10 gramo ng suspected shabu na may estimated average market value na aabot sa P68K, buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alias Egay, 44, walang trabaho at nakatira sa Purok 4, Sitio Villa Anita, Batangas City; alias Nel, 64, isang vendor at alias Jhun-jhun, 46, isang dispatcher, at nakatira sa Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City, Batangas.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga nahuling suspek.
Follow SMNI News on Rumble