1-M doses ng Sinovac vaccines na binili ng Pilipinas galing China, dumating na

1-M doses ng Sinovac vaccines na binili ng Pilipinas galing China, dumating na

DUMATING na ang 1-M doses ng Sinovac vaccines na binili ng Pilipinas galing China ngayong araw.

Pasado alas 7:00 ng umaga lumapag ang Cebu Pacific flight 5J 723 kung saan sakay ang 1-M doses ng Sinovac vaccines na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal -3.

Sumalubong sa naturang bakuna ay sina Health Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal ng Department of Health at National Task Force against COVID-19

‘’The bulk of this latest vaccine shipment will be deployed to NCR-plus while the rest will be dispatched to cities tagged as high-risk areas,” ayon sa National Task Force (NTF).

Ibabahagi ang naturang bakuna sa Metro Manila at sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Tiniyak ni Sec. Duque na kakayanin naman ang hinihingi ng mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila na  4-M doses ng bakuna kontra COVID-19 na  alokasyon  sakaling mag patupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kaagad na dinala sa Pharmaserv Express Cold Storage sa Marikina City ang mga vaccines, na ilalagay at ipamamahagi sa iba’t ibang mga hub ng pagbabakuna.

Umabot na sa 18-M doses ang bilang ng bakuna na dumating na sa Pilipinas.

Inaasahan namang darating sa bansa ang 3-M doses ng Moderna vaccines ngayong Agosto 3, 2021.

SMNI NEWS