1 miyembro ng Dawlah Islamiya, nasawi sa engkuwentro ng militar sa Maguindanao del Sur

1 miyembro ng Dawlah Islamiya, nasawi sa engkuwentro ng militar sa Maguindanao del Sur

NASAWI ang isang miyembro ng Dawlah Islamiya-Hassan Group makaraang maka-engkuwentro ang tropa ng kasundaluhan sa Maguindanao del Sur.

Kinilala ang terorista na si Mermo Mling na kasapi ng nasabing grupo.

Nasabat din ng tropa ng militar ang mga kagamitang pandigma kagaya ng isang M14, isang M79, isang SMG cal .45, dalawang improvised explosive device (IED), mga magasin, isang unit ng Baofeng radio, dalawang keypad cellphone at iba pang mga personal na gamit ng mga kalaban.

Sinabi ni Brigadier General Oriel Pangcog, brigade commander ng 601st Brigade na sumiklab ang labanan sa pagitan ng kasundaluhan ng 40IB at iba pang mga operating units sa ilalim ng Joint Task Force Central sa Sitio Mayan, Brgy. Labu-labu II, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur alas-6:28 ng umaga nitong Sabado.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter