INANUNSIYO ni Quezon City Police District (QCPD) Acting Director, PCOL Melecio M Buslig, Jr, ang matagumpay na pagkakaaresto ng limang Most Wanted Persons, kabilang ang isang miyembro ng notoryus na Neri Robbery Gang sa bisa ng warrants of arrest sa Quezon City.
Batay sa report ng Project 4 Police Station sa pamumuno ni PltCol. Angelito de Juan, naaresto ang isang miyembro ng Neri Criminal Gang na si Archie Hipolito Catanpatan, 23 taong gulang.
Nakalista bilang No. 10 Station Level MWP at residente ng Project 4, Quezon City dakong 3:00 PM, November 25, 2024 sa No. 15 Gumamela St., Brgy. Industrial Valley Complex, Marikina City.
Siya ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong Theft na inisyu ng Branch 94, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.
Patuloy ang pagsisikap ng PNP na tugisin ang mga kriminal na sangkot sa iba’t ibang ilegal na aktibidad tungo sa isang mapayapa at maayos na komunidad sa Lungsod ng Quezon.