1 naiulat na nasawi sa landslide sa Bataan – NDRRMC

1 naiulat na nasawi sa landslide sa Bataan – NDRRMC

KINUMPIRMA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isa ang naiulat na nasawi matapos ang landslide sa Barangay Gabon, Abucay, Bataan.

Ayon sa NDRRMC, isang 27 taong gulang na babae ang biktima.

Isa umanong caretaker sa resort ang babae.

Patuloy na inaalam ng NDRRMC at Mines and Geoscience Bureau Region 3 ang sanhi ng landslide upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter