1 nasawi, hindi bababa sa 10 sugatan matapos gumuho ang scaffolding sa isang construction site sa Quezon City

1 nasawi, hindi bababa sa 10 sugatan matapos gumuho ang scaffolding sa isang construction site sa Quezon City

ISA ang nasawi habang sampung construction workers ang nasugatan matapos gumuho ang scaffolding sa isang construction site sa Sto. Cristo Street, Barangay Balingasa, Quezon City kaninang alas-9 ng umaga.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) La Loma Station ang nasawi na si Francis Tulagan Anzures, 45-anyos at residente ng Barangay Baesa, Quezon City.

Isinugod pa sa Quezon City General Hospital (QCPD) ang biktima ngunit idineklara ito na dead on arrival bandang alas 9:40 ng umaga.

Dinala rin ang siyam na construction workers at isang foreman na pawang nagtamo ng minor injuries sa QCGH para sa medical treatment.

Batay naman kay Elmo San Diego, head ng Quezon City Department of Public Order and Safety, tigil muna ang konstruksiyon sa lugar habang patuloy na iniimbestigahan ang nangyari.

 

Follow SMNI News on Twitter