1 paaralan sa Central Gaza na umano’y “Hamas compound”, inatake ng Israeli military

1 paaralan sa Central Gaza na umano’y “Hamas compound”, inatake ng Israeli military

NASAWI ang nasa 30 katao matapos inatake ng Israel ang isang paaralan na ginawang shelter sa Central Gaza.

Ayon sa Israeli military, inatake nila ito dahil ginagamit ng Hamas bilang compound ang naturang paaralan.

Sinabi naman ng mga ito na ang ginawa nila na pag-atake sa naturang paaralan ay sa paraang mas kaunti lang ang masasaktan.

Sa taya ng Gaza Health Ministry, nasa 36 na libo na ang Palestinians na nasawi simula nang mag-umpisa ang digmaan noong Oktubre 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble