1 pang bangkay, natagpuan ng PCG sa katubigan ng Basilan

1 pang bangkay, natagpuan ng PCG sa katubigan ng Basilan

NAREKOBER ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 1 pang bangkay sa katubigan ng Brgy. Sulutan Matangal, Hadji Mohammad Ajul (HMA), Basilan.

Ayon sa ahensiya, dinala na ng HMA- Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang bangkay para sa pagkakakilanlan at tamang disposisyon.

Inaalam na rin ng mga awtoridad kung ang bangkay ay kabilang sa pasahero ng MV Lady Mary Joy 3.

Mas pinalawak na rin ng HMA Municipal Police Station ang kanilang retrieval operation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter