PASOK na naman ang isang Filipino sa blind audition ng season 27 ng The Voice USA.
Sa naturang audition ay kinanta ng Pinay na si Jessica Manalo ang ‘Unholy’ ni Sam Smith.
Sa post noong Pebrero 15, 2025 ng official YouTube channel ng The Voice, makikitang aprubado si Manalo sa dalawang coach na sina Michael Bublé at Kelsea Ballerini.
Bagamat araw ng Lunes, Pebrero 18, 8 PM American time, at Martes, 9 AM dito sa Pilipinas ang airing ng episode, may mga haka-haka na si Buble ang pinili ni Manalo.
Kung matatandaan, si Sofronio Vasquez, ang kauna-unahang Pinoy na nanalo sa The Voice USA Season 26 ay mula din sa team ni Bublé.
Follow SMNI News on Rumble