1 PNP personnel, sangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa New Year

1 PNP personnel, sangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa New Year

ISANG Philippine National Police (PNP) personnel ng Police Regional Office (PRO) 4A ang sangkot sa kaso ng indiscriminate firing sa nagdaang pagsalubong ng Bagong Taon.

Kasunod ito ng opisyal na tala ng Ligtas Paskuhan Monitoring ng PNP.

Sa kabila ito ng paalala ng PNP sa paggamit ng baril kung ‘di naman kinakailangan.

Sa kabuuan, umabot sa 27 kaso ng indiscriminate firing ang naitala ng pulisya sa nakalipas na Bagong Taon at pinakamarami ito kumpara noong Enero 2024.

21 rito ang arestado ng mga awtoridad kabilang na ang naturang PNP personnel.

Batay sa tala ng PNP, 3 sibilyan ang naitalang nagpaputok ng baril sa NCR, 1 sa Region 3, 9 sa Region 4A, 3 sa Region 6, 1 sa Region 7, 1 sa Region 8, 1 BuCor personnel sa Regions 9 at 2 sa Region 10.

Habang nananatiling at large ang iba pang suspek.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter