UMAMIN na ang isang person of interest na sangkot siya sa pagkamatay ng turistang Slovak national sa Boracay.
Sa ngayon, hindi pa mailabas ng mga awtoridad ang karagdagang detalye tungkol sa salaysay ng suspek.
Ngunit ang dalawa sa tatlong itinurong persons of interest sa kaso ay may mga nauna nang record kaugnay sa paggamit ng ilegal na droga.
Sa ngayon, dalawa lang din sa tatlong persons of interest ang nasa kustodiya ng Philippine National Police.
Ang Slovak national na kinilalang si Michaela Mickova ay natagpuang patay sa isang abandonadong chapel sa Boracay Island noong Marso 12, 2025.
Ang biktima ay may senyales ng sexual assault.