1 tauhan ng PNP chaplain service, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) Chaplain Service.
Kinumpirma ng PNP General Hospital na kasalukuyan ngayong naka-confine ang pulis sa st. Lukes Medical Center Global City sa Taguig.
Ayon sa PNP Gen. Hospital, naging kritikal ang pulis ng mga nakaraang araw pero kahapon ay nakalabas na ito ng intensive care unit at bumubuti na ang kalagayan.
Nabatid na walang travel history ang pulis pero may nakasalamuha itong 2 dayuhan mula sa Europe, 3 linggo na ang nakararaan.
Kaugnay nito, cleared na ang 7 iba pang tauhan ng chaplain service na nakasalamuha ng pulis matapos sumailalim sa quarantine noon pang Marso 8. Asymptomatic anila o hindi nagpakita ng simtomas ng COVID-19 ang mga pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published.