AASAHANG 10 hanggang 15 bagyo pa ang tatama sa Pilipinas simula ngayong Hunyo hanggang Oktubre.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maraming magla-landfall sa Luzon at Visayas.
Kung hindi naman magla-landfall ay mag-e-enhance ito ng Habagat at Southwest Monsoon.
Maaalalang nitong Hunyo 2 ay pormal nang idineklara ng PAGASA ang pasisimula ng tag-ulan sa bansa.