HANGGANG bukas na lang, January 31, 2023 ang huling araw para magsumite ng courtesy resignation ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Sa 953 na third level police officials, nananatiling 10 na lang ang hindi pa naghain ng kanilang courtesy resignation.
Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Redrico Maranan, sa 10 ay 3 dito ang generals habang 7 ang colonels.
Sinabi ni Maranan na isang malaking desisyon sa buhay para sa 10 third level PNP officials ang paghain ng kanilang courtesy resignation kaya nagdadalawang-isip pa ang mga ito na tumugon.
Ang courtesy resignation sa PNP ay ipinanawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. bilang hakbang upang linisin ang hanay ng mga ito mula sa pagkakasangkot sa kalakaran ng iligal na droga.