NASA blacklist ang 10.8 milyon na cellphone numbers ngayong taon ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nasa 2.3 milyon na mga SIM cards din ang deactivated dahil sa posibleng pagkakasangkot sa cyber fraud.
Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), 2.2 bilyon na text messages naman mula sa scammers ang kanilang nai-block.
Pakiisa na ito ng DICT at NTC sa Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) upang maiwasang mabiktima sa mga manloloko ang publiko.