$10-B, ilalaan para sa interconnection projects ng South America

$10-B, ilalaan para sa interconnection projects ng South America

INANUNSIYO ng apat na investment banks sa naging pagtitipon-tipon ng Mercosur Trade Bloc kamakailan na maglalaan sila ng $10-B para sa infrastructure works na magdudugtong ng ilang mga bansa sa South America.

Ang nabanggit na proyekto na pinamagatang “Routes for South American Integration” ay inilunsad sa Brazil.

Nakapaloob dito ang nasa 120 proyekto kasama na ang mga pantalan at paliparan maging ang road, rail at power transmission projects.

Madalas na itatayo ang mga proyekto sa hilagang bahagi ng Brazil na mag-uugnay sa Venezuela, Guyana, French Guyana at Suriname.

Manggagaling ang $3.4-B ng pondo sa Inter-American Development; tig-3 billion dollars mula sa Development Bank of Latin American and the Caribbean at sa Brazilian Development Bank.

$600-B naman ang manggagaling sa Fonplata, isang bangko na pinagmamay-ari ng Argentina, Bolivia, Paraguay at Uruguay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble