10 construction workers, nairescue sa sunog na sumiklab sa Mega Tower sa Mandaluyong City

10 construction workers, nairescue sa sunog na sumiklab sa Mega Tower sa Mandaluyong City

NASA sampu ang na-irescue ng Bureau of Fire Protection, matapos sumiklab ang isang sunog sa Mega Tower, sa Brgy. Highway Hills, sa Mandaluyong City.

Agad na rumisponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection para maagapan ang sunog.

Kabilang na ang isang nasugatang construction worker na nagtamo ng sugat matapos mahulugan ng basag na salamin.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, ang mga ito ay empleyado ng construction firm at nagtamo ng minor injury ang isa sa kanilang kasama at dinala kaagad sa ospital para maagapan ang sugat.

‘’Sa sampu mayroon tayong isang biktima minor injury naman yong nahulugan ng basag na salamin. So, actually nadala na po sa malapit na hospital para po sa medical na treatment,’’ayon kay Fire Supt. Alberto de Baguio.

Base sa ulat ni Fire Supt. Alberto de Baguio nagsimula ang sunog bandang 10:28 ng umaga sa Mega Tower.

Hinihinalang nagsimula sa air conditioning unit ang sunog na sumiklab.

Dagdag ni de Baguio may gumapang na apoy sa ducting installation ng air conditioning sa 24th floor ng naturang building.

Dineklarang fire under control ang sunog sa Mega Tower pagpatak ng 1:52 ng hapon.

Sa ngayon hindi pa tapos ang construction sa loob ng 50-story Mega Tower na pag mamayari ng SM Prime Holdings, Inc.

SMNI NEWS