SAMPUNG dayuhan ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang subdivision ng Parañaque City.
Ito’y matapos nasangkot sa umano’y online scamming activities.
Pito sa mga ito ay Vietnamese habang tatlo ang Chinese.
Sa pagkaaresto sa mga ito noong Enero 15 ay nakuha rin ang ilang computers na may transcripts at Chinese characters, isang palatandaan na sangkot ang mga ito sa phishing at scamming activities.
Ang 10 mga dayuhan ay nahaharap na ngayon sa mga kasong paglabag ng Republic Act No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act.
Samantala, sa isa pang NBI operation noong Enero 17 ay naaresto naman ang walong iba pang Chinese na nasa likod rin ng iba pang uri ng scam.