10-K housing unit, itatayo sa Marikina sa ilalim ng Pabahay Program ng Marcos admin

10-K housing unit, itatayo sa Marikina sa ilalim ng Pabahay Program ng Marcos admin

NASA 10-K housing unit ang target maitayo sa Marikina City.

Ito’y matapos ilunsad ang ika-6 na groundbreaking ng Pambansang Pabahay Program ng administrasyong Marcos sa Bagong Sibol, Barangay Nangka, Marikina.

Bago ang groundbreaking ay nagkaroon muna ng pirmahan ng memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng City government ng Marikina.

Kasama sa nanguna sa naturang event sina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, Mayor Marcy Teodoro, Marikina Rep. Stella Quimbo, Congresswoman Maan Teodoro at iba pa.

Samantala isang milyong pabahay ang kabuuang target ng pamahalaan na mapatayo sa iba’t ibang lugar sa bansa kada taon o 6 na milyong housing units hanggang sa 2028 sa ilalim ng Marcos administration.

Follow SMNI NEWS in Twitter