NASAWI ang nasa 10 katao habang 55 ang sugatan, matapos mahulog ang isang bus sa isang bangin sa shrine sa Kashmir, India.
Sakay ng bus ang nasa humigit-kumulang 60 katao na patungo sa isang shrine sa Kashmir, papunta sa bayan ng Katra mula sa northern state ng lungsod ng Amritsar ng Punjab nang mahulog ito sa bangin.
Ayon sa isang local police officer mula sa India, overloading ang naging sanhi ng insidente.