KASALI na sa blacklist ng Department of Agriculture (DA) sa loob ng anim na buwan ang 10 kompanya sa Pilipinas.
Sanhi dito ang pagkakasangkot nila sa illegal grade at iba pang uri ng paglabag sa agricultural practices.
Ang mga ito ay ang LVM Grains Enterprises, Kysse Lishh Consumer Goods Trading, JRA and Pearl Enterprises Inc., Betron Consumer Goods Trading, RCNN Non-Specialized Wholesale Trading, Golden Rays Consumer Goods Trading at Chastity Consumer Goods Trading.
Ang mga nabanggit ang nag-aangkat ng mga gulay, prutas, at iba pang food products na walang sanitary at phytosanitary import clearances.
Habang ang tatlong kompanya gaya ng La Reina Fresh Vegetables Young Indoor Plants Inc., Vegefru Producing Store and Yom Trading Corp. ay sangkot naman sa price manipulation at collusion o sabwatan.