10 kriminal na sangkot sa telecom fraud, nai-turnover na ng Myanmar sa China

10 kriminal na sangkot sa telecom fraud, nai-turnover na ng Myanmar sa China

ANG 10 suspek ay dinala ng Chinese police pabalik sa China sa pamamagitan ng isang chartered flight na nag-landing naman sa Kunming.

Ayon sa China Ministry of Public Security, ito ay isang tagumpay ng kooperasyon ng China at Myanmar pagdating sa law enforcement.

Ito rin ay sumasalamin anila sa determinasyon ng dalawang bansa na wakasan ang transnational telecom fraud crimes.

Ayon pa sa ministry, matagal nang maraming kriminal na grupo sa Kokang Region sa Northern Myanmar ang nag-oorganisa ng fraud gangs laban sa Chinese citizens.

Ayon sa isang opisyal ng ministry, 44,000 na fraud suspects na ang naibalik sa China mula sa Myanmar kabilang na ang higit 2,000  pugante.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter