10 milyong piraso ng P1,000 polymer banknotes, inilabas na sa publiko

10 milyong piraso ng P1,000 polymer banknotes, inilabas na sa publiko

NASA 10 milyong piraso na ng P1,000 polymer banknotes na ginawa sa Australia ang inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko.

Ayon sa Central Bank, ito ay katumbas ng 0.7 porsyento ng tinatayang pinagsama-samang bilang ng P1,000 paper at polymer banknotes sa sirkulasyon.

Sa kabuuan ay 500 milyong piraso ng polymer banknotes ang inaasahang ilalabas kasabay ng P1,000 paper banknotes sa taong 2023.

Una nang pinayuhan ng BSP ang publiko na hindi ‘for sale’ ang bagong P1,000 polymer banknotes.

Follow SMNI NEWS in Twitter