SUMUKO sa pwersa ng militar sa Davao Oriental ang sampung New People’s Army (NPA).
Ang pagsuko ng mga rebelde ay dulot na rin sa pinaigting na operasyon ng militar sa mga rebeldeng grupo sa Davao Oriental.
Walang tigil ang military operations, partikular na ang 701st Brigade na nag-udyok sa iba pang mga rebelde para sumurender.
Anim sa mga ito ay full-time members ng New People’s Army at tatlo mula sa Militiang Bayan.
Kinilala ni Col. Oliver C. Maquiling INF (GSC) PA, Commander 701st Brigade ang mga sumuko na sina Gilberto Garcia Colita @ Jhonny CO, Jason Bansag Eliseo @REX VCO, Richard Basug Jadan @ ATOG, Team Leader, Jhon Cloyd Flores Colita @ Jan-Jan, Charlie Dave Mangasdang Pichon @ Potpot at David Paraiso Pichon @ David.
Ang na nabangit na pangalan ay miyembro ng WGF 18, SRC 2, SMRC.
Sumuko rin ang tatlong miyembro ng Milisyang Bayan na kinilalang sina Mike Mangasdang Pichon @ Mike, Reynaldo Paraiso Pichon @ OKA, at Orlando Pandili Goles @ Soysoy.
Ang mga personalidad na ito ay nagdala at nagbigay ng isang K-3 Daewoo Machine Gun, isang AK47 rifle, isang M16 Elisco riffle, isang M16 Colt Riffle, isang M16 A1 Elisco Riffle, isang M203 grenade launcher, isang Improvised Explosive Device (IED) na tumitimbang ng higit kumulang na anim na kilo.
Isa sa mga bagay na nag-udyok para sumuko ang isa sa rebelde na si Jhonny Co ay dahil sa gutom at sa pinaigting na operasyon ng kasundaluhan sa mga rebeldeng grupo.
“Gutom nami wala nay makaon. Napalibutan nami mga sundalo (Nagugutom na kami wala na kaming makain. Napalibutan na kami ng mga sundalo),”ayon kay Gilberto Garcia Colita AKA Jhonny Co.
Samantala, matapos ang isang buwan na walang humpay na Military Operations, isang Front Secretary ng WGF 18, SRC 2, SMRC na si Jocy Villaruel Papasin, alyas Domai ang sumuko sa Brgy. Calapagan, Lupon, Davao Oriental bandang ala-1:00 ng hapon ng Nobyembre 7, 2021.
Isang sagupaan muna ang naganap bago sumuko si Domai sa tropa ng 66IB, na limang buwan nang buntis.
Agad na binigyan ng paunang lunas naman si Domai bago ito inilipat sa Mati City para sa karagdagang medikal na pagsusuri.
Narekober ng tropa ng 66th Infantry (Kabalikat) Batallion ang Isang (1) M653 rifle na kargado ng 15 rounds ng 5.56mm ammo, isang (1) improvised 12 gauge shotgun, dalawang (2) fully loaded magazine para sa Glock Pistol.
Binigyang-diin ni Col. Oliver C. Maquiling na ang pagsuko ng pinakamataas na pinuno ng WGF18 ay malaking kawalan para sa armadong grupo.