MAAARING mapatawan ng disciplinary sanctions ang 10 flight crew ng Philippine Airlines (PAL) matapos silang mahuli na nagdadala ng mga hindi idineklarang prutas at gulay mula sa Riyadh at Dubai.
Ayon sa Bureau of Plant Industry napag-alamang nagdala ang mga flight crew ng ilang mga agricultural items gaya ng sibuyas, lemon, at strawberry na walang mga permit.
Tinangka pa umano ng mga flight crew na sirain ang mga produktong pang-agrikultura nang malaman nilang kukumpiskahin ang mga ito.
Ayon kay Philippine Airlines Spokesperson Ma. Cielo Villaluna patuloy na nilang iniimbestigahan ang naturang insidente at aasahang magpapataw ito ng kaukulang parusang pandisiplina na napapailalim sa resulta ng imbestigasyon.