10 pasahero nasawi sa nasunog na M/V Lady Mary Joy 3

10 pasahero nasawi sa nasunog na M/V Lady Mary Joy 3

NASAWI ang 10 pasahero na sakay ng M/V Lady Mary Joy 3 matapos masunog kahapon ng alas-10:00 ng gabi, Marso 29, 2023.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog na ikinasawi ng 10 pasahero.

Sa ngayon, naitawid na sa Baseport Zamboanga ang 4 na bangkay mula sa pinangyarihan ng insidente at kasalukuyang itatawid pa ang 6 na bangkay.

Nagpaabot naman ng tulong ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga survivor ng kape, pagkain, at masisilungan, at sa pakikipagtulungan sa Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG).

Follow SMNI NEWS in Twitter