10-time Everest climber, nasawi matapos akyatin ang Annapurna Peak sa Nepal

10-time Everest climber, nasawi matapos akyatin ang Annapurna Peak sa Nepal

NASAWI ang 10-time Everest climber mula Northern Ireland matapos akyatin ang Annapurna Peak sa Nepal.

Ito ay habang bumababa mula sa ika-sampu sa pinakamataas na tuktok ng bundok sa mundo habang isang Indian climber naman ang nawawala rito.

Si Noel Hanna na umakyat na sa bundok ng 10 beses at naabot na ang higit 26 na libong pulgada ng Annapurna Peak sa West Nepal ay namatay sa Camp IV habang pababa roon.

Ayon kay Yubaraj Khatiwada, opisyal ng Department of Tourism sa lugar, hindi pa malinaw ang sanhi ng pagkamatay ni Hanna.

Samantala, ang Indian climber naman na nalaglag sa mababang bahagi ng Annapurna ay nawawala simula pa noong Lunes.

2 iba pang Indian mountaineers na naabutan ng masamang panahon habang umaakyat sa Annapurna ang iniligtas ng mga awtoridad.

Matatandaan na ang Annapurna Peak sa West Nepal na unang inakyat ni Maurice Herzog ng France noong 1950 ay ikinukunsiderang delikado dahil sa madalas na Avalanche roon.

Follow SMNI NEWS in Twitter