ISA sa mga binanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang huling SONA ay ang pagkakaroon ng 10-year driver’s license validity incentive at 10 year validity ng Philippine passport para sa mga Filipino travelers lalong lalo na sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Noong Enero 2018 nang magsimula ang 10-year validity ng Philippine passport.
Ngayon, sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, ibinahagi rin nito ang pagkakaroon 10-year validity ng driver’s license para sa mga driver na walang traffic violations.
“We have extended the validity of Philippine passports to 10 years to lessen the burden of our (international) travelers and OFWs. We also extended for the new cards the validity of the driver’s license to 5 years and addedly we shall begin the issuance of these driver’s licenses which would be good for 10 years if there is no traffic violation,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Mababatid na inanunsyo ng Land Transportation Office ito noong Agosto 2020 ang programang 10-year driver’s license validity.
Nakatakda naman sa Oktobre 2021 ang pagsisimula ng naturang programa at paliwanag ni Chief Edgar Galvante, incentive ito sa mga driver na walang traffic violation.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling SONA, kailangan lang magkaroon ng mas istriktong requirement para sa pag-isyu ng 10-year valid driver’s license upang matiyak ang eligibility ng isang driver.
Ibinahagi rin ng pangulo na tinugunan na itong 3-M backlog na unprocessed driver’s license simula noong 2016.
Sa usaping 10-year validity naman ng Philippine passport, ayon kay Pangulong Duterte, para ito sa kaginhawaan o para mabawasan ang problema ng Pilipino travelers lalong-lalo na para sa OFW.
Samantala, maliban sa pagpapalawig ng validities ng passports at driver’s license, ginawan rin ng paraan na maiwasan ang mahabang pila tuwing magsasagawa ng government processes gaya ng issuance ng passports at iba pa.