100 cakes para sa mga natatanging ina sa pagdiriwang ng Mother’s Day

100 cakes para sa mga natatanging ina sa pagdiriwang ng Mother’s Day

IPINAGDIWANG ng mga nanay sa lungsod ng Caloocan ang Mother’s Day kahapon May 12, 2024 bitbit ang kani-kanilang mga cake na ibinigay ng Caloocan City LGU

Pinangunahan ito ni Caloocan City Mayor Along Malapitan at ng kanyang team bilang pagkilala sa kabutihan at pagiging huwarang ina sa kani-kanilang mga tahanan at komunidad.

“Sa maliit nating paraan, nakapagpasaya tayo ng isang daang nanay ngayong araw. Sana po ay natutulungan din natin ang kanilang mga anak na ipakita ang pagpapahalaga at pagpupugay sa kani-kanilang mga nanay,” saad ni Mayor Along.

Ang mga nanay na ito ay kabilang sa mga nominado sa facebook para sa nasabing cake na inorganisa ng LGU.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter