$100-M, tinatayang kita ni Taylor Swift mula sa Spotify

$100-M, tinatayang kita ni Taylor Swift mula sa Spotify

TINATAYANG nasa $100-M ang magiging kita ng American singer-songwriter na si Taylor Swift mula sa streaming ng kaniyang mga kanta sa Spotify para sa taong 2023.

Magugunitang tinanghal si Taylor bilang Top Global Artist of 2023 ng Spotify matapos nakalikom ng 26 billion streams sa nabanggit na digital music platform.

Samantala, ayon sa Billboard, hindi pa kasama sa estimated $100-M na kita ang streaming ng mga kanta ni Taylor sa Apple Music, YouTube Music, at Amazon Music.

Kung pagsama-samahin, posibleng makalikom ng 38.3-B streams ang American singer-songwriter at aabot sa $160-M ang kita nito.

Kung isasama pa ang publishing revenue at on-demand streaming revenue ay maaaring aabot na ito ng kabuuang $200-M.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble