UAE, naglunsad ng ‘100 million food campaign’ sa buwan ng Ramadan

NAGLUNSAD ng 100 million food campaign ang UAE kasabay ng buwan ng Ramadan.

Inilunsad sa UAE ang pinakamalaking food drive sa rehiyon ng Middle East kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng Ramadan.

Ang kampanyang ito ay naglalayong mamahagi ng 100 milyong pagkain sa mga mahihirap na indibidwal at pamilya sa 20 bansa at tinawag na 100 million food campaign.

Inanunsyo ni Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum, Vice-President at Prime Minister ng UAE ang paglulunsad ng programang ito kahapon.

Inorganisa ng UAE based na organisasyon na Mohammed Bin Rashid Al Maktoum initiatives ang nasabing kampanya na sumasalalim naman sa prinsipyo ng pagiging makatao ng UAE saan man sa mundo.

Ang 100 million meals campaign ay pagpapalawig ng naunang 10 million meals campaign na inilunsad noong 2020 para magbigay ng pagkain sa lokal na komunidad.

Samantala, ang kampanya ay bahagi ng tugon ng UAE sa pandaigdigang pagsisikap na labanan ang kagutuman sa buong mundo, na pinalala ng pagsiklab ng COVID-19 pandemic.

Layunin din ng kampanya na suportahan ang buong komunidad sa pagkamit ng pangalawa sa 17 United Nations Sustainable Development Goals upang wakasan ang gutom sa taong 2030.

Binigyang diin ni Sheikh Mohammed ang pangangailangan na pag-isahin ang mga pagsisikap at pagkilos ng mga kinakailangang mapagkukunan upang labanan ang kagutuman sa mundo.

https://twitter.com/HHShkMohd/status/1381174028820447232

“Four hours away from us are 52 million people battling hunger. We need to take urgent action to empower underserved communities,”

“We will work with humanitarian organisations, companies, entities and humanitarians to join us in securing 100 million meals to bring a sense of safety to underserved homes across the world.” saad ni Mohammed

Nasa mahigit 820 milyon na tao ang kulang sa nutrisyon sa buong mundo, kasama na ang 52 milyon na tao sa MENA region.

Ang malnutrisyon ay nag-aambag sa halos 45 porsyento ng pagkamatay sa mga batang wala pang 5 taong gulang.

Nilalayon din ng kampanyang ‘100 Million Meals’ na taasan ang kamalayan sa pagbawas ng basura ng pagkain at upang maitaguyod ang responsableng pagkonsumo ng pagkain.

(BASAHIN: Massive fire, sumiklab sa isang palengke sa Ajman, UAE)

SMNI NEWS