ISANG daang sako ng basura ang nakolekta ng mga volunteer ng Solid Waste Management ng municipalidad ng Cordova sa naganap na Nationwide Cleanliness Drive ng Sonshine Philippines Movement na tinaguriang “Kalinisan, Tatag ng Bayan”.
Nanguna ang bilang ng mga single use plastics gaya ng plastic bottles, sachet ng powered juices, plastic cups, balot ng junk foods, candy at food wrappers ang kadalasang nakolekta na basura.
Samantala, Collect, Transfer and Transport ang papel ng Solid Waste Management sa mga basura na naipon ng SPM.
Ang Nationwide Coastal Cleanliness Drive na ito ay inisyatiba ni Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy na may temang “Kalinisan: Tatag ng Bayan” upang ibalik ang kagandahan at kalinisan ng kalikasan.
#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal