102-K halaga ng shabu, nasamsam sa 2 suspek ng QCPD

102-K halaga ng shabu, nasamsam sa 2 suspek ng QCPD

NAKUMPISKA ng Quezon City Police District ang P102-K halaga ng shabu sa dalawang drug suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station (PS 6) kahapon sa lungsod ng Quezon.

Batay sa report ng QCPD PS 6 sa pamumuno ni PLtCol. Roldante S. Sarmiento, kinilala ang mga suspek na sina Danilo Talagtag, 38 taong gulang, at si Mark Anthony Condeno, 34 taong gulang, parehong residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Isang buy-bust operation ang isinagawa ng mga tauhan ng PS 6, sa pakikipagtulungan ng PDEA-NCR, matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilegal na pagbebenta ng droga ng dalawang indibidwal.

Ang operasyon ay naganap bandang 12:40 ng tanghali kahapon, nito lang Mayo ng taong kasalukuyan at isang pulis ang nagkunwaring bibili ng shabu na nagkakahalaga ng P200 mula sa suspek na si Talagtag.

Sa ibinigay na pre-arranged signal, naaresto si Talagtag kasama si Condeno.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 15 grams na shabu na nagkakahalaga ng P102-K, isang cellphone, isang itim na belt bag, at ang perang ginamit sa transaksiyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Rederic Maranan, bilang pangangalaga sa komunidad.

Patuloy na magpapatupad ang QCPD ng mga operasyon laban sa ilegal na droga upang tuluyang mapigilan ang pagkalat nito sa Quezon City.

Follow SMNI NEWS on Twitter