102 MILF, MNLF, nanumpa na bilang bagong kasapi ng police force sa Bangsamoro Autonomous Region

102 MILF, MNLF, nanumpa na bilang bagong kasapi ng police force sa Bangsamoro Autonomous Region

MATAPOS na dumaan sa iba’t ibang uri ng pagsusuri at ebalwasyon ang mga dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) members, ngayong araw ay opisyal na silang nanumpa bilang bagong kasapi ng Philippine National Police (PNP).

Mula sa nasabing bilang, nakatakda silang ideploy sa Bangsamoro Autonomous Region para higit nilang mapagsilbihan ang kanilang rehiyon sa ngalan ng isinusulong na kapayapaan ng kasalukuyag adminstrasyon partikular na sa rehiyon ng Mindanao.

Sa talumpati ni Department of Interior and Local Government Sec. Berjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr., personal na pinasalamatan nito ang bagong Bangsamoro Police Force bilang katuwang ng pamahalaan sa mas maunlad at payapa na Bangasamoro Region.

Pero gaya ng iba pang tagapagpatupad ng batas, hindi rin pinalampas ni Abalos ang pagpapaalala sa mga ito na huwag ipagpalit ang mga natutunan nitong kaalaman at kasanayan sa PNP dahil lamang sa udyok o mga hamon na makasisira sa kanilang mandato bilang law enforcement officers.

Nauna nang pinasalamatan ng PNP ang hakbang na ito ng mga dating Moro rebels sa pakikipag-alyansa sa pamahalaan habang patuloy ang kanilang pagsusuri sa mga natitira pang aplikante na nag nanais ring maging bahagi ng police force ng bansa.

Paglilinaw ng PNP, tatanggap ang mga ito ng kaparehong kompensasyon at benepisyo gaya ng isang regular na pulis depende sa magiging ranggo rito sa mga susunod na panahon sa loob ng organisasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble