11.38% o higit 19-M mula sa 168.9-M na SIM cards sa bansa, narehistro na

11.38% o higit 19-M mula sa 168.9-M na SIM cards sa bansa, narehistro na

UMABOT na sa mahigit 19 milyong Subscriber Identity Module (SIM) cards o 11.38 percent sa kasalukuyan na halos 170 milyong SIM sa bansa ang narehistro na.

Ito ay batay sa tala ng National Telecommunications Commission (NTC).

Naitala ng Smart Communications Inc. ang pinakamataas na nagparehistro sa 13.67% na sinundan ng Dito Telecommunity na nasa 12.69%.

Habang ang Globe Telecom na may pinakamataas na bilang ng subscribers ay nakapagtala ng 9.42 percent ng SIM na narehistro.

Follow SMNI NEWS in Twitter