11 military personnel, patay sa bumagsak na helikopter sa Turkey

PATAY ang 11 military personnel matapos bumagsak ang isang helikopter sa timog-silangan ng Turkey.

Bumagsak ang Cougar-type helicopter malapit sa nayon ng Cekmece, sa Bitlis province.

Patungo sanang Tatvan mula sa Bingol province ang helipkopter nang mawala ang kontak nito sa mga otoridad.

Dead on the spot ang siyam sa mga nasawi habang and dalawa ay nasawi habang ginagamot sa ospital.

Kabilang sa mga biktima si Lieutenant-General Osman Erbas, isang army corps commander.

Itinuring naman na isang aksidente ang pagbagsak ng military helicopter ng defence ministry ngunit hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye.

Kaagad namang bumuhos ang pakikiramay mula sa mga opisyal ng iba’t ibang bansa sa sinapit ng mga militar.

“Our thoughts are with the families of all those affected, and we wish a rapid recovery to the injured,” pahayag ng US Embassy.

Nagbigay rin ng pakikiramay si NATO Secretary-General Jens Stoltenberg sa isang tawag sa telepono kay Foreign Minister Mevlut Cavusoglu.

SMNI NEWS